--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakapagtala ng 202 na panibagong kaso ng COVID 19 ang lalawigan ng Isabela ngayong araw.

May 1,451 ang kasalukuyang total province wide active cases kaya umabot na sa kabuoang 22,756 ang confirmed case, 8 ang bagong nasawi dahil dito ay pumalo na sa 687 ang nasawi.

75 naman ang bagong recoveries kaya umakyat na sa 20, 618 ang total recoveries ng lalawigan.

Nangunguna sa may pinakamaaas na kaso ang bayan ng Naguilian na may 24 sinundan ng Echgue na may20 habang 17 sa Lunsod ng Ilagan, 16 sa bayan ng Ramon, 15 sa Bayan ng Tumauini, Tig-13 sa Alicia, Cordon, at Lunsod ng Santiago.

--Ads--

Naitala naman ang 11 kaso sa bayan ng Luna, 10 sa bayan ng Sta. Maria, 8 sa San Mateo, 7 sa Reina Mercedes, 6 sa Delfin Albano, tig-apat sa Aurora at Cauayan City, tatlo sa Sto. Tomas, Burgos at Dinapigue, 2 ang mula sa Jones habang isa naman sa bayan ng Gamu.

Zero COVID-19 Case ngayong araw ang mga bayan ng Angadanan, Benito Soliven, Cabagan, Cabatuan, Divilacan, Maconacon, Mallig, Palanan, Roxas, San Agustin, San Guillermo, San Isidro, San Manuel. San Mariano at San Pablo.