--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinauubaya ng Provincial Government ng Isabela sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang isyu ng panghihimasok ng China sa Benham Rise.

Ito ay makaraang namataan ang ilang Chinese survey ship ng China sa Benham Rise na pag-aari ng Pilipinas, matapos pagtibayin at sang-ayunan ng United Nations  on Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ang Benham Rise ay isang kalupaan sa ilalim ng dagat na mas malawak pa sa buong isla ng luzon at ang pinakamalapit dito ang Pilipinas partikular sa coastal town ng Divilacan, Isabela at kalapit na lalawigan ng Aurora.

Ayon kay Mr. Manuel Santos, Secretary ng Sangguniang Panlalawigan ng Isabela, hindi magsasagawa ng anumang hakbang ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela dahil ang isyung ito ay dapat hawakan ng DFA.

--Ads--

Sinabi pa ni Mr.   Santos na wala pang pormal na claim ang Isabela sa nasabing lugar bagamat may paghahanda na ang Sangguniang Panlalawigan na bumalagkas ng isang resolusyon na gawing bahagi ng teritoryo ng Isabela ang Benham Rise o di kaya ay makihati sa  iba pang lalawigan na malapit sa naturang lugar.

Ipinaliwanag noong nakaraang taon ni Atty. Eduardo Cabantac, hepe ng Special Projects Office ng Provincial Government  ng Isabela, ang kalagahan ng Benham Rise sa Isabela sa pamamagitan ng isang power point presentation.

Ang  powerpoint presentation ay halaw pa sa kanyang dinaluhang pagpupulong sa Institute of Marine Science sa UP-Los Baños, Laguna kung saan hinikayat ang lahat ng lalawigan na malapit sa Benham Rise na bumuo ng isang grupot upang malaman kung anu ang gagawin sa nasabing lugar ngunit ang hindi nila nagustuhan ay ang pagdeklara dito bilang isang protected area.