--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala sa Lalawigan ng Isabela ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o DOST-PAGASA Echague Isabela ang pinakamataas na maximum air temperature kahapon na 40 degreee celcius habang pumalo sa 42 degree celcius ang heat index.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng DOST PAGASA Echague Isabela, sinabi niya na magkakaiba ang naitalang heat index kahapon subalit aasahang mas makakapagtala ng mas mataas na temperatura ang mga lugar na malapit sa karagatan.

Babala pa ng weather bureau na magtatagal ang mataas na temperatura sa Lalawigan dahil sa wala pa ring nararanasang pag-ulan sa buong Lambak ng Cagayan at noong ikadalawampu’t walo ng Marso pa nang huling makaranas ng pag-ulan.