--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa ikalimang sunod na taon ay nakamit na naman ng Provincial Government ng Isabela ang pagsang-ayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Seal of Good Local Governance (SGLG).

Ang Seal of Good Local Governance ay isang pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal na sumi-simbolo sa paglalakbay ng Lalawigan ng Isabela tungo sa local governance at pagpapa-iral sa standard of transparency, integrity and service delivery.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauaya kay G. Ruben Pagayatan, Executive Assistant 4 ng Office of the Governor, bukod sa lalawigan ng Isabela ay 12 bayan din dito sa Isabela ang gagawaran ng Seal of Good Local Governance ngayong taon.

Pumasa lahat sa limang kategorya ang lalawigan ng Isabela tulad ng good financial house keeping,disaster preparedness, environment management, business friendliness and competitiveness at social protection gayundin sa peace and order kaya inaasahang gagawaran na naman ang Isabela sa Seal of Good Local Governance sa mga susunod na araw.

--Ads--

Ang Parangal ay kaakibat naman ang milyong milyong pisong halaga ng mga proyekto.