--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng Provincial Health Office ang vaccination roll out para sa lahat ng priority group mula A1 hanggang A5 category kabilang ang mga kabataang may edad labindalawa hanggang labimpito sa buong lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Vaccine Czar Dr. Arlene Lazaro sinabi niya na sa kasalukuyan ay nasa 345,000 indivicuals o 31.6% ng target population ang nabigyan na ng 1st dose.

22.2% naman ng kabuuang pupulasyon ang nakatanggap ng bakuna kung saan 19.2 % mula sa 70% target population ang tuluyan nang nabakunahan.

Sa naturang bilang 99.8% rito ay mula sa A1 Priority group, 72.4% sa A2, 92.8% para sa A3, 109.5% sa A4 at 15.8% sa A5 priority group.

--Ads--

Nasa tatlong libong kabataan naman sa buong lalawigan ang nabigyan na ng bakuna kontra COVId 19 maliban pa sa mga kabataang may comorbidity na kabilang sa pediatric vaccination sa ilalim ng hospital set up.

Bukas narin para sa mga walk in ang resbakuna on wheels ng Provincial Health Office kung saaan binabakunahan na nila ang mga mamamayan na makakapasa sa initial screening.


Upang matiyak na hini magdadagsaan ang mga magnanais na magpabakuna sa mga vaccination areas na tutunguhin ng resbakuna on wheels ay nagtatalaga sila ng mga tauhan na magmamando at mangangasiwa sa mga magpapabakuna.

Ang bahagi ng pahayag ni Provincial Vaccine Czar Dr. Arlene Lazaro.