--Ads--

CAUAYAN CITY – Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day kahapon ay nagsagawa ng isang proyekto sa Agta Community ang pamunuan ng Isabela Provincial Mobile Force Company bilang bahagi ng kanilang kampanya kontra insurhensiya at pagbibigay ng pangangailangan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Jeffrey Raposas, Force Commander ng 1st IPMFC, sinabi niya na kahapon na araw ng mga ama ay isinagawa nila ang proyektong patubig sa Agta community sa Andarayan Cauayan City at bayan ng San Pablo.

Nasa limang sitio mula sa iba’t ibang bayan at lunsod sa Lalawigan ang nakinabang na sa kanilang patubig sa ilalim ng project H2O na bahagi ng Project subli.

Sa pamamagitan ng project H20 ay pinagkakalooban nila proyektong patubig ang mga mamamayan upang magkaroon ng malinis na inuming tubig ang mga residente sa mga  liblib na barangay na walang malinis na maiinom na tubig.

--Ads--

Maliban sa proyektong patubig ay tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng mga livelihood projects katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang Project Subli na nagkakaloob ng trainings para magkaroon ng kaalaman at mayroong mapagkukunan ng kita.

Namamahagi rin sila ng food packs sa mga sumukong kasapi ng NPA na may layuning mawakasan na ang problema sa insurhensiya.

Ang mga nabanggit na programa ay ilan lamang sa mga aktibidad na inihanay ng IPMFC upang iparamdam at maipaabot ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayang nakatira sa mga liblib na barangay.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt.Col. Jeffrey Raposas.