
CAUAYAN CITY – Mayroon nang case build up ang Isabela Police Provincial Office sa naganap na pamamaril sa Lunsod ng Cauayan na kinasangkutan ng Kapitan ng Barangay Dabburab, Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director PCol. Julio Go sinabi niya na kasalukuyan ang case build up sa mga naitalang shooting incident sa Lalawigan kabilang ang dalawang insidente ng pamamaril dito sa Lunsod ng Cauayan, isang shooting incident sa Echague at Benito Soliven Isabela.
Aniya sa ngayon ay tuloy tuloy ang malalimang pagsisiyasat nila sa sunod sunod na shooting incident sa lalawigan.
May mga hawak na rin silang saksi na positibong nakakilala sa gunman sa naganap na pamamaril dito sa Lunsod ng Cauayan.
Kasalukuyan aniyang tinatrabaho ng intelligence operative ng Cauayan City Police Station at natukoy sa mga kuhang kopya ng CCTV footage.
Ayon sa mga saksi na bago ang pamamaril ay namataan ang riding intandem criminal na sumusunod sa mga biktima.
Batay din sa kanilang pagsisiyasat na ang motibo sa pamamaril sa pagnanakaw dahil namataan o nakakuha sila ng impormasyong nag benta ng aning palay sa Rizaluna, Alicia, Isabela ang mga biktima.
Samantala sinimulan na rin nilang imbestigahan ang pamamaril sa kawani ng LGU San Isidro at mag uumpisa aniya sila sa mismong tanggapan kung saan ito nag tratrabaho partikular sa Treasury Office.
Malaking tulong rin sa kaso ang mga kuhang CCTV footage ng gunman maging ang direksyon kung saan nanggaling ang biktima bago ito pinagbabaril patay sa harapan ang isang pribadong pagamutan sa barangay Ipil, Echague, Isabela.
Tiniyak naman niya na hindi nag papabaya ang Pulisya sa pagpapatupad ng COMELEC gun ban gayunman aminado na planado ang ang mga naganap na shooting incident sa Lalawigan nitong mga nakaraang araw.
Iginiit niyang hindi titigil ang kanilang hanay hanggat hindi nalulutas ang mga kaso ng pamamaril at hindi nabibigyan ng hustisya ang mga nasawing biktima.










