CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang nalalapit na barangay at sangguniang Kabataan Elections sa buwan ng Oktobre ngayong taon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Col. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office naglabas na siya ng Memorandum sa lahat ng mga himpilan ng Pulisya kaugnay sa paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Mahigpit anya nilang binabantayan ang mga barangay na maaring mahigpit ang tunggalian ng mga kandidato upang mapaghandaan nila ang deployment ng mga pulis pagdating ng halalan.
Pinaigting din nila ang kanilang operasyon at kampanya kontra loose firearms.
Pinapaalalahanan ang mga hindi na nagrenew ng lisensiya ng kanilang baril na idepositibo muna ang mga baril sa himpilan ng pulisya
Mayroon na silang dating areas of concern ngunit kinakailangan pa rin nilang I-validate.
Wala naman anya silang namonitor na private armed group sa lalawigan ngunit hindi nila isinasantabi na magkakaroon lalo na at papalapit na ang halalan.
Hinihintay na rin nila ang nakatakdang unang pulong sa COMELEC upang paghandaan ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Pagdating anya sa Comelec gunban ang authorized na mga pulis na magdala ng baril ay kapag nakaduty at kapag hindi na naka-duty ay hindi na maaring magdala o magbitbit ng kanilang baril.
Pinaalalahanan nila ang mga pulis kaugnay sa gun ban sa panahon ng halalan upang hindi sila maharap sa kaso.