--Ads--

Pormal nang nagpalit ng liderato ang Isabela Police Provincial Office ngayong araw kung saan isinagawa ang turnover ceremony sa multi-purpose hall ng IPPO sa ilagan City.

Pinalitan ni PCol. Manuel Bringas si PCol. Lee Allen Bauding bilang Provincial Director ng IPPO matapos ang dalawang taon nitong panunungkulan.

Bago pa man italaga bilang acting Provincial Director ng IPPO ay mayroon nang malawak na karanasan si PCol. Bringas sa Isabela pagdating sa pamumuno sa iba’t ibang unit ng Pulisya sa Rehiyon.

Nangako ito na ipagpapatuloy niya ang mga programa at inisyatiba ng tanggapan kasama na ang pagpapatibay ng community-oriented policy at mabilis na tugon sa krimen at insidente upang matiyak ang epektibo at maasahang serbisyo sa publiko.

--Ads--

Samantala, nagpasalamat naman si PCol. Bauding sa mga opisyal at kawani ng IPPO sa kanilang suporta sa kaniyang pamumuno.

Ang seremonya ay pinangunahan ni PBGen. Antonio Marallag Jr. Regional Director ng Police Regional Office 2 kung saan pinuri nito sina PCol. Bauding at PCol. Bringas sa kanilang dedikasyon sa mataas na pamantayan ng propersyunalismo at integridad sa paglilingkod sa mga komunidad sa Isabela.

Samantala, naniniwala ang Adviser ng Isabela Police Provincial Office na maipagpapatuloy ng bagng Provincial Director ng IPPO ang nasimulan ni PCol. Lee Allen Bauding.

Ito ay matapos ang pagpapalit ng liderato ng IPPO kahapon, Enero 5 kung saan pinalita si PLt. Bauding ay pinalitan ni PCol. Manuel Bringas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ysmael Atienza Sr., Adviser ng IPPO, sinabi niya na galing sa Mindanao si PCol. Bringas at dati na rin siyang naging Hepe ng Ilagan City Police Station.

Dahil dito, naniniwala si Atienza na magiging maayos ang pamamahala nito sa mga kapulisan sa Isabela sapagkat naging maganda ang bunga ng kaniyang pagsisilbi noon sa isang Syudad sa Isabela bilang Hepe.

Aniya, malawak na ang karanasan ni PCol. Bringas sa Philippine National Police at kahit papaano ay pamilyar na ito sa mga problemang kinahaharap ng Isabela nang siya’y madestino sa lalawigan.