--Ads--

Muling lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Isabela Pro Riders Club, Inc. at Bombo Radyo Cauayan para sa gaganaping Dugong Bombo, Bloodletting Activity: A little pain a life to gain ng Bombo Radyo Philippines sa Nobyembre 15, 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Joey Tejada, ang Founding Chairman ng Isabela Pro Riders Club Inc. Mula pa lamang nung 2018 nakikilahok na ang mga ito ng mga blood letting activities sa pamamagitan ng tulong ng mga lokal na pamahalaan at ibang pribadong organisasyon. Aniya, bukod sa maraming benepisyo ito na naidudulot sa katawan nais nilang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan at mangangailangan pa. Pang-apat na pagkakataon na ng nasabing grupo ang makilahok sa programa.

Ayon kay Tejada, isa sa mga adbokasiya ng kanilang grupo ay ang Community Immersion o ang pagtulong sa mga nangangailangan. Giit niya, bukod tangi ang Isabela Pro Riders Club Inc. na
accredited ng pamahaalang panlalawigan ng Isabela bilang Civil Society Organization na nag nagrerepresenta sa kabuuan ng riders.

Layunin ng grupo na maging isang katulungan ng probinsiya sa pagpapatupad ng mga road safety awareness tulad ng maayus na pagsunod ng batas trapiko at tamang pagsuot ng safety gear equipment.

--Ads--

Dagdag pa niya, plinaplano muli nilang magsagawa ng Road Safety Awareness Campaign lalong-lalo na sa mga estudyante ng State Universities and Colleges, SK Federation President, dahil karamihan sa mga nagmomotor ngayon ay mga kabataan. Aniya idagdag pa rito ang mga kapwa riders sa buong Isabela at mga TODA members para maragdagan ang mga kaalaman ng mga ito sa mga dapat gawin bilang isang riders.