CAUAYAN CITY – Patuloy na nakakapagtala ng mga sakit ang Isabela Provincial Health Office nang dahil sa matinding init ng panahon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Health Education and Promotion Officer King Alabon ng Isabela Provincial Health Office kanyang sinabi na sa unang kwarter ng taon ay mga sakit sa balat gaya ng skin burn ang pinakamarami sa kanilang naitatalang sakit ng dahil sa init ng panahon.
Aniya sinundan ito ng conjunctivitis o sore eyes at mayroon na rin silang naitala na mga biktima ng heat stroke at heat exhaustion kung saan idineretso na ang mga ito sa pagamutan.
Wala naman aniya silang naitalang casualty nang dahil sa matinding init ng panahon.
Patuloy naman ang kanilang paalala sa publiko na ugaliing mag-ingat at huwag masyadong magbabad sa initan upang makaiwas sa sakit.