CAUAYAN CITY- Nagsagawa na ng consultative meeting ang Isabela Provincial Veterinary Office kasama ang Bureau of Animanl Industry at Department of Agriculture para sa rollout ng bakuna kontra African Swine Fever.
Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa pagsasanay ang mga vaccine monitors para sa araw-araw na monitoring sa mga babakunahang baboy.
Kabilang sa mga babakunahan ay mga biik, winner, at hog grower kung saan prayoridad dito ay ang mga high risk areas maging mga bayan o Lunsod na dati ng may kaso ng ASF.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Provincial Veterinary Officer Dr. Helen Sevilla, sinabi niya na sa ngayon wala nang naitatalang kaso ng ASF sa Lalawigan ng Isabela.
Ang huling kaso aniya ay naitala pa sa Quezon Isabela na hindi na ulit na sundan, sa katunayan ay pinoproseso na ang deklarasayon bilang pink zone ng Bayan ng Quezon dahil sa wala ng kaso doon ng higit apatnapung araw.
Para maideklarang pink zone ay muling kukunan ng blood samples ang mga alagang baboy na kanilang susuriin kung negatibo ay maaari na itong ideklara, gayunman may mga karagdagang requirements sa BANTAY ASF program kabilang dito ang Trained Bio Security Officer Certificate at listahan ng mga hog raiser na rehistrado sa RSBSA.
Isa sa dahilan para mabilis na macontain ang mga baboy na may sintomas ng ASF ay ang mahipit na pagbabantay sa tatlong quarantine checkpoint sa Cordon, San Pablo at Quezon.
Nagsasagawa rin sila ng regular coordination sa mga City and Municipal Agriculturist para maitala ang anumang kaso ng pagkakasakit at illegal entry.










