
CAUAYAN CITY – Binuksan ng Isabela School of Arts and Trade o ISAT -TESDA ang ilang kurso ngayong buwan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Edwin Madarang ang Superintendent ng ISAT-TESDA sinabi niya na karamihan sa mga binuksan nilang kurso ay nakasentro sa coastal area na bahagi ng Special Training for Employment.
Iniaalok nila ngayon ang Driving NC II sa Maconacon at Divilacan.
Nakatakda rin nilang buksan ang food processing course sa Bayan ng Echague, at Dinapigue.
Bukas rin ang masonry, Electrical Installation and Maintenance NC II, Bread and Pastry Production, Bartending, housekeeping NC II at dressmaking course.
Ayon kay Ginoong Madarang, ang mga nabanggit na kurso ay bukas pa dahil kulang pa ang enrollees.
Binuksan rin ang Bartending, at house keeping bilang bahagi ng Tulong Trabahao Scholarship Program ng TESDA.
Ang mga estudyanteng sasailalim sa kursong sakop ng STEP program ay mabibigyan ng starter kit na tulong pangkabuhayan bilang pasimula sa kanilang negosyo.
Maaaring mag enroll ang mga edad labingwalo pataas at dadaan sa mandatory assestment para sa certification na magagamit nila sa local o overseas employment.










