CAUAYAN CITY – Nagpatupad na rin ng Asynchronous Classes ang lahat ng campuses ng Isabela State University dahil sa mainit na panahon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Marinel Dayawon, Director for Instructions ng Isabela State University, sinabi niya na upang mas maging epektibo ang pag-aaral ng mga estudyante ay nagpatupad sila ng Asynchronous Classes at magpapatuloy pa rin ang pag-aaral ng estudyante gamit ang mga learning materials at online.
Nagdagdag na rin ang pamantasan ng mga bentelador sa mga silid-aralan upang maibsan ang mainit na panahon.
Payo ngayon sa mga mag-aaral na manatiling hydrated para makaiwas sa matinding epekto ng mainit na panahon.
Tiniyak naman ng Isabela State University ang kahandaan ng kanilang infirmary para sa mga posibleng makaranas ng epekto ng mainit na panahon.
Una nang nakapagtala ang lalawigan ng Isabela ng danger category heat index na 42 degree celsius sa nakalipas na dalawang araw.