CAUAYAN CITY- Mahigit isang oras nagkaroon ng technical issues ang isa sa mga Automated Counting Machines (ACMs) ng isang Polling Center sa Osmeña, Ilagan City, Isabela.
Ayon sa mga electoral Board, noong una ay nire-reject lang umano ng naturang ACM ang mga balota ngunit kalaunan ay tuluyan na itong hindi tumanggap ng balota.
Dahil dito ay tumulong na rin ang DESO Technical Staff ng Barangay Calamagui 2nd upang maayos ang problema ngunit hindi pa rin ito naaayos kaya naman idinulog na nila ito Provincial Supervisor ng Commission on Elections (Comelec) Isabela.
Kalaunan ay naayos din ang nagka-problemang ACM at nagpatuloy ang botohan sa naturang Polling Centers.
Samantala, sa bayan ng Burgos, Isabela ay nagkaroon din ng technical Issue ang isang ACM sa Bacnor Elementary School ngunit naayos din ito sa tulong ng ICT Technical Staff na naka-talaga sa lugar.





