
CAUAYAN CITY – Nagpadala ng 250,000 na halaga ng assorted goods ang Police Regional Office 2 (PRO2) para sa mga biktima ng bagyong Odette sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLt Col Efren Fernandez Jr, Information Officer ng PRO2, sinabi niya na ang 3,000 na assorted goods ay mula sa mga police provincial office sa limang lalawigan sa region at sa Santiago City Police Office (SCPO).
Ito ay inaasahang madagdagdagan pa dahil patuloy silang nag-iipon ng mga donasyon mula sa mga pulis.
Sinabi pa ni PLt Col. Fernadez na handa rin ang mga pulis sa region 2 na i-donate ang isang araw nilang subsistence allowance para sa mga biktima ng kalamidad.
Noong nasa katulad na kalagayan aniya ang region 2 dahil sa pagtama ng malakas na bagyo ay marami rin ang nagpadala ng tulong mula sa ibat iang lugar kaya pagkakataon din ngayon na tumulong ang mga taga-region 2.




