--Ads--
CAUAYAN CITY – Nasunog ang isang bahay sa Villasis, Santiago City pasado 11:30 kagabi pangunahin na sa likod ng Brgy. Hall.
Ayon sa may-ari ng nasunog na bahay na si Mariel Acoba, 53-anyos, bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na pagsabog sa gilid ng kanilang bahay at nakita ang malaki ng apoy.
Pader lamang ang pagitan ng nasunog na bahay sa Brgy. Hall ng Villasis na sa kabutihang palad ay hindi naman nadamay sa sunog.
Wala namang naitalang nasaktan sa nasabing insidente gayunman ay walang naisalbang gamit ang siyam na naninirahan sa bahay kabilang ang apat na mga boarders.
--Ads--