CAUAYAN CITY – Nasunog ang isang residential House sa Purok 1, Barangay Sto. Tomas, Alicia, Isabela.
Ang naturang bahay ay pagmamay-ari ni Judeth Ola.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Mira Luna Magat Santos, sinabi niya na kasalukuyan siyang nasa loob ng kanilang bahay nang makaamoy ito ng amoy sunog na plastic.
Dahil dito ay lumabas siya ng kanilang bahay at dito na niya nakita ang kanilang kapit-bahay na tumatakbo papalayo sa kanilang bahay na nasusunog.
Agad naman niyang tinawagan ang kaniyang nanay na nangtatrabaho sa Barangay upang ipaalam ang pangyayari maging ang kanilang electrician upang maipaalam nila ang pangyayari sa Bureau of Fire Protection.
Ayon aniya, sa may-ari ng bahay nagising na lamang umano siya na malaki na ang apoy sa kaniyang bahay kaya hindi nito alam kung saan nagsimula ang sunog.
Hindi naman aniya nasunog ang kabuuan ng bahay dahil agad namang rumesponde ang BFP ngunit natupok pa rin ng apoy ang dalawang kwarto nito.
Ipinagpapasalamat na lamang nila dahil walang nasaktan sa pangyayari.
Nanawagan naman siya sa publiko pangunahin na sa mga nais maghatid ng tulong sa nasunugan na makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Barangay Sto. Tomas, Alicia upang maipaabot ang tulong sa mga biktima.