--Ads--

Labis ang panlulumo ng isang ginang matapos na masaksihan kung paanong tupukin ng apoy ang kanilang bahay dakong alas 4 ng hapon kahapon sa Barangay 4, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang bahay ay pagmamay-ari ni Aurelio Tumamao na dinala sa pagamutan dahil bahagyang nasunog ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

Halos mahimatay naman ang misis nito dahil sa pangyayari.

Nasa terrace ng kanilang bahay ang ginang nangg biglang makitang nasusunog na ang kanilang bahay.

--Ads--

Kung isasalarawan ang lugar kung saan naganap ang sunog ay halos tabi-tabi ang mga bahay kaya mabuti na lamang at wala ng ibang nadamay sa sunog.

Wala namang naisalba na kahit anong kagamitan ang mga may-ari ng bahay.

Gawa sa light materials ang itaas ng bahay at semento ang ibabang bahagi nito.