Mahigpit nang ipinatutupad ng Barangay District 3 ang pagsusuot ng kanilang Baranagay Tanod ng Body Camera sa tuwing sila ay naka-duty.
Ito ay upang matiyak na dokumentado ang ginagawa nilang pag aksiyon sa tuwing oras ng kanilang trabaho.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Lorenzo Mangantulao ng Brgy. District 3, sinabi niya na binili nila ang mga kagamitang ito upang magamit ng mga tanof sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Aniya, paraan ito upang lahat ng magiging reklamo ng mga taong sasawayin ng mga tanod ay dokumentado at may kuhang video.
Hindi na kasi maiiwasan ngayon ang mga tao na magrereklamo sa tuwing lumalabag sa mga batas sa barangay at sinusuway ng mga tanod.
Makatutulong din ito sa kanilang mga operasyon upang magsilbing ebidensya sa tuwing may magrereklamo.