--Ads--

CAUAYAN CITY – Apektado na ng African Swine Fever (ASF) ang Saguday, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Marcelina Pagbilao, sinabi niya na may nagreport na kagawad ng barangay La Paz na may namatay na baboy sa kanilang barangay at gusto nila itong ipa-inspect sa kanilang Municipal Agriculture Office (MAO).

Nagtungo ang mga kawani ng MAO sa lugar kasama ang kanilang Provincial Veterinarian at kumuha ng sample na ipinadala sa rehiyon.

Pagkalipas aniya ng dalawang araw ay lumabas ang resulta at ipinaalam sa kanya na positibo ang mga namatay na baboy sa ASF.

--Ads--

Ayon sa punong bayan habang hinihintay nila ang nasabing resulta ay nagpabili na siya ng mga disinfectant na siyang ginagamit nila ngayon sa lahat ng babuyan sa kanilang bayan.

Nagpapasalamat naman siya dahil isang barangay lamang ang apektado at hindi pa nadagdagan ang mga namamatay na baboy.

Isa aniya sa nakikita nilang dahilan kaya nakapasok ang ASF sa nasabing barangay ay dahil sa technician ng nasabing babuyan na galing sa isang bayan sa Isabela na apektado ng ASF.

May hinala rin sila na may residente sa lugar na nagtungo sa Kalinga at nag-uwi ng karne ng baboy na kontaminado ng nasabing sakit ng baboy.

Tinig ni Mayor Marcelina Pagbilao ng Saguday, Quirino.