--Ads--

CAUAYAN CITY – Tutulong sa peace and development security effort ng 5th Infantry division philippine army pangunahin sa Cagayan ang 8th Marine Battalion na ipinadala ng North Luzon Command o NOLCOM.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Capt. Jefferson Somera, hepe ng Division Public Affairs Office ng th ID na ito ang kauna-unahang pagkakataon na may unit ng Philippine Marines na tutulong sa 5th ID.

Ipinaliwanag niya na nabawasan ng ilang battalion ang 5th ID dahil ipinadala sa Mindanao kaya nangako ng dagdag na puwersa si Lt. Gen. Emmanuel Salamat ng Nolcom.

Pangunahing papel ng 8th Marine Battalion ang tutulong sa pagbabantay sa coastal area lalo na sa Benham Rise o Philippine Rise

--Ads--

Ayon kay Capt Somera, galing sa Sultan kudarat, Lanao del Sur at Sulu ang mga kasapi ng 8th Marine Battalion at kailangan nila ng suporta at kailangan silang pagtiwalaan.