--Ads--

Muling napasakamay ng Chinese chef na si Li Enhai ang Guinness World Record title na “Thinnest Handmade Noodles” matapos ang kanyang record attempt sa isang Italian TV show sa Milan, Italy.

Sa programang Lo Show Dei Record, ipinakita ni Enhai ang kanyang husay sa paggawa ng noodles na may sukat na 0.18 millimeters—halos kasing nipis ng hibla ng buhok.

Dati nang nakamit ni Enhai ang record na ito, ngunit naagaw ito ng ibang chef na nakagawa ng mas manipis na noodles.

Sa kanyang pagbabalik, muling pinatunayan ni Enhai ang kanyang kasanayan at natamo ang panibagong world record para sa pinakamanipis na handmade noodle.

--Ads--

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa si Enhai ng kasaysayan sa mundo ng noodles.

Noong 2009, itinampok siya sa Guinness Book of Records matapos niyang makagawa ng longest noodles na may habang 2,852 meters gamit lamang ang isang kilong harina.

Ang kahanga-hangang gawaing ito ay isinagawa niya sa pagbubukas ng isang hotel sa Keshikten, Northern China.