CAUAYAN CITY – Balik kulungan ang isang dispatcher matapos magbenta ng ipinagbabawal na gamot sa Santiago City.
Ang nadakip ay si Edward Espiritu, 25 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Calaocan, Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Presinto Uno ng Santiago City Police Office, nauna nang nasampahan ng kaso si Espiritu dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na marijuana subalit pansamantalang pinalaya dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya laban sa kanya.
Sa patuloy na monitoring ng pulisya ay napag-alaman na patuloy sa ilegal na aktibidad ang nasabing dispatcher na nagresulta upang isagawa ang operasyon laban kay Espiritu.
Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nasamsam kay Espiritu ang isang plastic sahet na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ang P/500.00 bilang marked money
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya si Espiritu para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002)




