--Ads--
CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga kasapi ng Presinto Uno ng Santiago City Police Office (SCPO) ang isang entertainer sa barangay Dubinan East, Santiago City.
Ang dinakip ay si Shiela (di tunay na pangalan) 18 anyos, dalaga at residente ng Aparri, Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Oscar Saldivar ng Regional Trial Court Judicial Branch 7 ng Aparri, Cagayan.
Dinakip si Shiela sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
--Ads--
Ang suspek ay nasa pangangalaga na ng SCPO at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.




