--Ads--

CAUAYAN CITY– Nahaharap sa kasong child abuse ang isang ginang na taga Barangay Old San Mariano dahil sa paratang na pananakit sa isang bata sa San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inireklamo ang ginang San Mariano Police Station sa himpilan ng pulisya matapos niya umanong sampalin at sapilitang hinila sa braso ang isang 11 anyos na itinago sa pangalang Boy.

Nag-ugat ang pananakit ng ginang sa bata matapos niyang pagbintangan na nagnakaw sa kanyang pera na nagkakahalaga ng P/11,000.00 sa loob ng kanilang bahay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa bata, sinabi niya na inakusahan siyang nagnakaw sa pera ng ginang na nakalagay umano sa kanilang cabinet sa kuwarto.

--Ads--

Sinabi naman ng kanyang ama na nagharap na sila sa barangay at inobliga umanong paunti-unting nilang bayaran ang nawalang pera.

Gayunman, hindi nito matanggap dahil hindi naman napatunayan na ang kanyang anak ang kumuha sa nasabing halaga ng pera.