--Ads--

CAUAYAN CITY– Dumulog sa Bombo Radyo Cauayan si Ginang Chrisanta Cancino ng Villa Jose Ylanan, Maddela, Quirino upang ipanawagan ang kanyang anak na si Reg Mark Cancino Paningbatan Alyas RM, 12 anyos na halos dalawang buwan nang nawawala.

Ang batang nawawala na si alyas RM ay medyo payat ang pangatawan at 5’4” ang taas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Ginang Chrisanta Cancino, sinabi nitong tumira ang kanyang anak sa ama ng barkada nito sa Papan, Jones, Isabela upang maging taga pag-alaga ng kalabaw dahil ayaw nitong mag aral.

May 8 2022 noong nagtungo ang kanyang anak para mag-alaga ng kalabaw ngunit June 18, 2022 ay naglayas ang bata sa kanyang tinitirhan.

--Ads--

Napaga-alam nila sa ama ng barkada ng anak na sinabihan nito si RM dahil nakawala ang alaga nitong kalabaw at nanira ng maisan.

Maari anyang minasama ito ng bata kaya naglayas.

Ayon kay Ginang Cancino, hindi naman umuwi si RM sa kanilang bahay .

Sinabi ni Ginang na noong pagdalaw sila sa Palacian, San Agustin na lugar at bahay ng kanyang kinakasama ay napag-alaman nilang nakitulog ng apat na gabi ang anak ngunit umalis din.

Sinabi umano ng kanyang anak na babalik sa Jones, Isabela upang kunin ang kanyang sahod sa pag-aalaga ng kalabaw ngunit ayon sa ama ng kaibigan nito na hindi naman bumalik sa kanila ang bata.

Nag-aalala na ang ginang sa kanyang anak kayat nanawagan siya sa Bombo Radyo Cauayan sa sinumang nakakaalam sa kinaroroonan ng anak na ipagbigay alam sa kanyang numerong 0975 491 8667.

Ang pahayag ni Ginang Chrisanta Cancino