--Ads--

CAUAYAN CITY-  Isang rebelde ang nagbalik loob sa pamahalaan at tinalikuran na ang grupong  CPP-NPA-NDF  sa Purok 5, Barangay Villa Flor, Cauayan City

Ang nagbalik loob sa pamahalaan ay si  Alias Kikoy, 32 anyos, magsasaka, residente ng Cauayan City.

Si Alyas “Kikoy” ay dating kasapi ng  Central Front Reynaldo Piñon command sa ilalim ni Gerome mula  2010 hanggang  2014.

Ang dating rebelde ay nagsuko ng Improvised 12 Gauge shotgun na may markang  RMF, walang  serial number at may  dalawang  live shot shells.

--Ads--

Boluntaryong sumuko si Alias “Kikoy” bilang resulta ng pinaigting na pagpapatupad ng programang    “Sustaining the Advocacy to Grind Insurgency in the Province” o SAGIP  NG Isabela Police Provincial Office katuwang ang  2nd Isabela Provincial Mobile Force Company , Provincial Intelligence Unit-Communist Terrorist Group Tracker Team, 141SAC, 14thSAB, PNP Special Action Force, 95th IB, Regional Intelligence Unit 2, Tactical Operation Group 2, Tactical Operation Wing Northern Luzon at  Cauayan City Police Station.