--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroong isang aktibong kaso ng Variants of Concern (VOC) sa Covid-19 na B.1.1.7 UK Variant mula sa Diffun, Quirino ang patuloy na sumasailalim sa isolation at nagpapagaling.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Nica Taloma, ang Head ng Collaborating Center for Disease Control and Prevention ng DOH region 2, sinabi niya na kanilang ipinadala ang specimen sample nito sa Philippine Genome Center upang ipasuri at napag-alaman na positibo sa UK Variant.

Ayon kay Dr. Taloma, anim naman ang gumaling sa nasabi ring variant ng Covid 19.

Apat sa kanila ay mula sa Lunsod ng Ilagan, isa ang galing sa Alicia Isabela at isa sa PeƱablanca, Cagayan habang isa ang nasawi mula Lunsod ng Ilagan sa nasabi ring Covid-19 Variant.

--Ads--

Samantala sa B.1.315 South African Variant naman ay gumaling na ang isang nagpositibo na mula sa bayan ng Sta. Maria, Isabela.

Sa kabuuan mayroon nang 15 na kaso ng VOCs sa Rehiyon matapos makapagtala  ng limang kaso ang lalawigan ng Cagayan.

Sa kasalukuyan 11 na ang gumaling sa mga nagpositibo at isa ang nasawit.

Ayon kay Dr. Taloma, kapag naging kritikal o severe ang sitwasyon ng pasyenteng may Covid-19 ay ipinapadala ng DOH region 2 ang kanilang specimen samples sa Philippine Genome Center upang masuri kung Variants of Concern ang dahilan ng pagbabago ng kanilang sitwasyon.

Kapag nagkakaroon naman ng clustering ng kaso sa ibat ibang lugar ay isinasailalim din sa genome sequencing ang samples ng mga nagpositibo.

Maging ang mga specimen samples ng first contact ng mga nagpositibo ay ipapadala rin para sa genome sequencing.

Ayon pa kay Dr. Taloma walang pinagkaiba ang management ng DOH Region 2 sa mga positibo sa Variants of Concern sa  Covid 19.

Aniya nakadepende ito sa severity o kung gaano kalala ang sitwasyon ng pasyente.

Muling nagpaalala si Dr. Taloma sa publiko na mag-ingat pa rin sa banta ng Covid 19 at laging sumunod sa mga ipinapatupad na panuntunan ng pamahalaan.

Ang pahayag ni Dr. Nica Taloma