--Ads--

CAUAYAN CITY- Naaresto at nakumpiskahan ng 5 sachet ng hinihinalang shabu ang isang empleado ng bise mayor ng Santiago City.

Ang naaresto ay si Jimmy Dela Cruz, 45 anyos, may-asawa, administrative aide 1 na nakatalaga sa opisina ni Santiago City Vice Mayor Alvin Abaya.

Una rito ay nagsagawa ng drug buy bust operation ang Santiago City Police Office (SCPO) at nasamsam mula sa pag-iingat ni Dela Cruz ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P/500.

Sa pagsasagawa ng body search sa suspek ay nasamsam ang 4 pang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

--Ads--

Si Dela Cruz ay nasa kustodiya ng SCPO at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).