CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaki matapos na mahulian ng baril habang nasa children’s park ng Barangay Omenia Solano, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jolly Villar, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sinabi niya na una nang inireklamo ang suspek sa himpilan ng Solano Police Station dahil sa pananakot, panunutok ng baril at nangingikil sa lugar.
Sa pagtugon ng pulisya ay naaktuhan ang lalaki na 24 anyos habang dala dala ang isang caliber 38 revolver na walang kaukulang permit at walang lisensya.
Aniya, wala namang bata na kasalukuyang naglalaro sa parke ng dakpin ang suspek.
Ito ang unang pagkakataong nahuli ang suspek at hindi naman ito nahaharap sa iba pang reklamo sa bayan ng Solano.
Sa ngayon ay nahaharap ang suspect sa paglabag sa Republic act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.