--Ads--

Nabuo na bilang isang low pressure area ang cloud cluster na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Huling namataan ang LPA sa layong 745km East Southeast ng Itbayat Batanes.

Ayon sa Weather Bureau, hindi inaalis ang tiyansa na ito ay maging isang tropical depression sa susunod na mga araw at tatawagin itong bagyong Igme.

Mababa naman ang tiyansa na ito ay maglandfall o makakaapekto sa alinmang lugar sa bansa.

--Ads--

Samantala ang Habagat o Southwest Monsoon ay patuloy namang nakakaapekto sa bansa pangunahin sa buong Luzon at Visayas.

Dahil sa Habagat asahan ang maulap na papawirin at mga panaka-nakang pag-ulan sa Zambales at Bataan habang asahan din ang occasional rains sa Ilocos Region.

Maulap na papawirin din ang aasahan sa Metro Manila, Palawan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, CALABARZON at natitirang bahagi ng Central Luzon na epekto ng Southwest Monsoon.

Sa natitirang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao, asahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin at may mga isolated rainshowers o thunderstorms.