Timbog ang isang medical gas attendant na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pribadong ospital sa lungsod ng Cauayan sa Isinagawang BuyBust operation ng mga awtoridad ngayong araw dakong 10:14 ng umaga sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela
Kinilala ang suspek na si alyas aris, 33 anyos, medical gas attendant, tubong Quezon Province, at kasalukuyang nakatira sa Ilagan City, Isabela
Nasamsam sa suspek ang tatlong sachet ng marijuana na may estimated market price na P800, selpon, at Identification Card
Sa naging imbestigasyon ng mga awtoridad, walong taon na itong nagtatrabaho sa pribadong ospital bilang medical gas attendant
Sa ekslusibong panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan sa suspek, aminado ito na gumagamit siya ng iligal na droga
Aniya, gumagamit lang siya nito dahil sa kanyang trabaho at itinanggi rin niya na siya ay nagbebenta
Ngunit umamin ito na galing pang Quezon Province ang iligal na droga na kanyang ginagamit at kinukuha niya ito tuwing siya ay umuuwi
Dinala ang suspek sa himpilan ng Cauayan City Police Station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.