CAUAYAN CITY- Isang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang patay habang isa pang rebelde ang nasugatan sa sagupaan ng mga sundalo at rebelde sa San Ramos, Nagtipunan, Quirino.
Ang napatay na NPA ay dinala na sa munisipyo ng Nagtipunan, Quirino at dinala naman sa pagamutan ang isa pang rebeldeng sugatan.
Inaalam pa ng mga otoridad ang impormasyon na ang napatay na kasapi ng NPA ay residente umano ng San Mariano, Isabela.
Nauna rito ay sugatan si Private Fist Class (PFC) Antonio habang ang kasapi ng NPA na nahuli ay si Arnold Jamias, 28 anyos at residente ng Sangbay, Nagtipunan, Quirino.
Matapos ang bakbakan ay nakumpiska ng militar sa nasabing lugar ang 10 na backpack bag, ang isa ay kumpirmadong pag-aari ng napatay na sundalo sa naganap na sagupaan kamakailan na si PFC Madalang, 2 granada, 1 anti-personnel mine, 7 blasting caps, 1 bala ng M203 rifle grenade, 1 dinamita, PNP uniforms, 10 cellphone, medical kit, 1 binocular, 1 night vision google at mga subersibong dokumento..
Nagsasagawa ng security operation ang isang platoon ng mga kasapi ng Bravo Company sa pamumuno ni 1st Lt. Bacano nang sila ay paputukan ng mga rebelde.
Umatras ang mga kasapi ng NPA patungong kabundukan.




