--Ads--

Ibinahagi ng isang Ina ang kaniyang naging sarkripisyo at hirap na pinagdadaanan ng kaniyang damdamin bilang isang OFW mom ngayong Mother’s Day.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent MJ Lopez na bilang isang Overseas Filipino Worker ang tanging paraan niya para makausap at masubaybayan ang kaniyang anak ay ang madalas o palagian na pagtawag at pangangamusta.

Aniya dahil malayo siya may mga pagkakataon na wala siya sa tabi ng kaniyang anak lalo na ng magkasakit ito at kinailangan na dalhin sa pagamutan dahil sa kidney stone.

Napakahirap para sa kaniyang damdamin dahil sa walang ibang kamag-anak niya partikular ang mga magulang niya para sana bantayan ang kaniyang anak sa pagamutan.

--Ads--

Kahit pa naisin niyang makasama ang kaniyang anak ay hindi niya magawa dahil siya ay nasa ibayong dagat.

Hindi aniya siya nagkukulang para ipaunawa sa kaniyang anak kung bakit siya ay kailangang malayo dahil sa kagustuhan niyang maibigay ang maginhawang buhay sa para sa kaniya partikular ang financial support na kailangan niya para makatapos sa pag-aaral.

Bilang Ina ay hindi niya maiwasang mangulila sa mga panahong bata pa ang kaniyang unica ija na siya ang nag-aaruga dahil nangibang bansa siya noong 2009 at nasa elementarya pa lamang ang kaniyang anak.

Dahil sa pagsisikap na magtrabaho abroad kahit na hiwalay na sa kaniyang mister ay naitaguyod niya at naipagpatuloy ang pagpapa-aral sa kaniyang anak na babae.

Samanatala aminado siya na hindi maiiwasan ang problema sa pamilya subalit umaasa siya na balang araw ay maaayos din ang gusop nila ng kaniyang Ina.

Kasiyahan aniya para sa kaniya na kahit papaano ay naibibigay ang pangangailangan ng kaniyang mga mahal sa buhay.