CAUAYAN CITY – Nananatiling bukas ang isang Spillway gate ng Magat Dam na mayroong dalawang metrong opening bilang paghahanda sa mga pag-ulang dala ng Bagyong Leon.
Sa ngayon ay nasa 186.28 meters above sea level ang water elevation ng dam kung saan nasa 300-355 cubic meters per second (cms) naman ang ng water Inflow nito at nasa 600-800 cms ang outflow.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), sinabi niya na target nilang maibaba sa 184-185 ang water elevation para ma-accommodate ang tubig na papasok sa Dam.
Tinataya naman ng Magat Dam na magdadala ang bagyo ng mga pag-ulan sa magat water shed kung saan posibleng umabot sa 2,100 cms ang volume ng tubig na papasok sa dam.