--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahang madaragdagan ang pinapakawalang tubig ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) sa Magat Dam sa mga susunod na araw dahil sa mga inaasahang pag-ulan sa Magat Watershed.

Sa ngayon ay nakabukas na isang spillway gate ng dam ngunit nasa 0.5 meters above sea level lamang ang kabuuang opening nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division, sinabi niya na posibleng simulan nila ang pagdaragdag ng pinapakawalang tubig sa araw ng Biyernes o di kaya’y sa weekend ngunit kanila naman itong uunti-untiin.

As of 8:00 ngayong umaga ay nasa 355 cubic meters per second ang inflow ang volume ng pumapasok na tubig sa dam habang 425 cms naman ang outflow.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay wala pa namang malalakas na pag-ulan na naitala sa watershed area maliban na lamang sa mga yellow rainfall warning sa downstream.