--Ads--

CAUAYAN CITY – UPDATE Nagpapatuloy ang pursuit operation ng mga kasapi 91st Infantry “Sinagtala” Battalion matapos makasagupa ang mga miyembro ng New Peoples Army o NPA sa barangay Toytoyan, Dipaculao, Aurora.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt.Col. Rodrigo Lutao, Information Officer ng AFP Northern Luzon Command, sinabi niya na isang sundalo ang nasugatan at nagpapagaling na matapos ang nasabing sagupaan laban sa humigit kumulang dalampung miyembro ng Komiteng Rehiyon Gitnang Luzon.

Inaalam pa nila kung may nasugatan din sa mga miyembro ng NPA sa naganap na sagupaan.

Una nang nagpatupad ang pamahalaang bayan ng Dipaculao ng suspensyon ng trabaho at pasok sa mga paaralan kahapon matapos sumiklan ang sagupaan kung saan pinayuhan din ang mga residente na isara ang mga tahanan at huwag magpapasok ng mga hindi kakilala.

--Ads--