CAUAYAN CITY – Isang sundalo ang nasawi sa naganap na sagupaan sa pagitan ng Militar ar Rebeldeng NPA sa bahagi ng Barangay Katablangan, Conner, Apayao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army. Cpt. Rigor Pamittan ang DPAO chief ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na dakong alas tres trenta kahapon nang makasagupa ng tropa ng 52nd Division Reconnaissance Company ang nasa labing-apat na miyembro ng NPA na nagbunga ng tatlumpung minutong palitan ng putok na ikinasawi ng isang sundalo.
Ang 52nd Division Reconnaissance Company ay nagsasagawa ng Focused Military Operation at combat at visibility patrol sa bahagi ng Conner at Abra nang makasagupa ang mga rebelde.
Sa tulong ng impormasiyon na ibinigay ng ilang concerned citizen sa Katablangan, Conner Apao ay agad itong beneripika ng militar.
Nasa bahagi ng Apayao ang mga kasapi g NPA para magtago at maiwasan ang mga kasapi ng 503rd Infantry Brigade na nagsasagawa ng combat patrol sa bahagi ng Abra.
Maari ring bababa sa kanayunan ang mga rebelde upang kumuha ng kanilang supply sa pamamagitan ng pangingikil sa mga residente.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang 5th Infantry Division Philippine Army sa pamilya ng nasawing sundalo.