--Ads--

Isang sundalo sugatan sa bakbakan ng tropa ng pamahalaan at mga rebelde sa Kalinga

CAUAYAN CITY- Isang sundalo ang sugatan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA) sa Barangay Balatoc, Pasil, Kalinga.

Ang tropa 50th Infantry Batallion na pinangunahan ni Sgt. Joselito Felipe ay nagsasagawa ng combat operation sa Barangay Balatoc nang naka-engkuwentro nila ang di mabilang na kasapi ng rebeldeng New Peoples Army sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nasugatan ang isang sundalo sa nasabing labanan.

--Ads--

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng clearing operations ang tropa ng pamahalaan.

Magugunitang una nang naiulat ng Bombo Radyo Tuguegarao na nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at NPA  Sitio Anyang, Brgy. Wagud, Pinukpuk, Kalinga.

Ayon kay Lt. Col Gulliver Señires, commanding officer ng 50th Infantry Batallion, nangyari ang sagupaan kaninang alas dos ng madaling araw habang nagsasagawa ng security patrol ang kasundaluhan.

Sinabi ni Señires na ligtas naman at walang nasaktan sa panig ng mga sundalo habang patuloy na inaalam ang casualty sa panig ng mga rebelde.

Nakuha sa lugar ang .30-caliber na baril, dalawang magazines at apat na improvised explosived devices