--Ads--

CAUAYAN CITY – Ginugunita natin ang isang araw na nagpabago sa buhay ng marami – isang araw ng sakit, pagkasawi at trahedya.

Eksaktong isang taon na ang nakalipas mula noong ginawa ng Hamas ang pag-atake sa Israel.

Ngunit ang sakit at trauma ay nananatili pa rin para sa bawat Israeli at mga Jews.

Ang araw na ito ay hindi lamang nagbago sa lipunan ng Israel ngunit malaki rin ang epekto nito sa Middle East dahil sila ay nasa digmaan pa rin hanggang sa ngayon.

--Ads--

Sa mismong araw na ito ay nagkawatak-watak ang mga pamilya na may mahigit 1,200 na inosenteng buhay na binawian – kabilang ang apat na Pilipinong biktima na pinatay ng Hamas: sina Angelyn Aguirre, Loreta Alacre, Grace Cabrera at Paul Castelvi.

Ramdam pa rin ang sakit at paghihirap ng kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Sa araw din na ito, mahigit 240 indibidwal ang brutal na dinukot mula sa kanilang mga bahay patungong Gaza at hanggang sa araw na ito, 101 hostage ng Israel ang nakakulong pa rin – 10 sa kanila ay mga babae, dalawa ay mga bata at hindi bababa sa 40 sa kanila ay pinatay ng Hamas.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi sinira ng October 7 attack ang Israel o ang mga tao nito.

Kahit na ang Jewish state ay nakakaranas ng mga pag-atake mula sa Iran at mga proxy nito na Hezbollah, Houthis at Hamas, nasaksihan ng mundo ang lakas, katatagan at determinasyon ng Israel.

Ang kasaysayan ay nagpapakita na sa tuwing tayo ay sinusubok, tayo ay lumalabas na mas matatag, mas nagkakaisa at mas determinadong protektahan ang ating kinabukasan. Patuloy din tayong magbabago para sa higit na kabutihan at mag-ambag sa sangkatauhan.

Kahit na ang digmaan sa Hamas at Hezbollah at mga proxies ng Iran ay nagpapatuloy pa rin, lagi nating tatandaan na walang pag-atake, walang puwersa at walang banta ang magbubura sa diwa ng mga mamamayang nagmamahal sa  bayan nito.

Ang terorismo ay isang pandaigdigang banta, ito ay naglalayong hatiin ang mamamayan, upang pahinain ang ating pagdedesisyon sa sarili.

Lubhang nakakalungkot na masaksihan ang pandaigdigang pagtaas ng antisemitism kasunod ng mga kaganapan noong Oct. 7.

Ang mapanirang ideolohiyang ito ay kumakalat sa buong mundo, kahit na sa loob ng mga prestihiyosong institusyon tulad ng mga unibersidad.

Nakikita natin ang pagtaas ng mga physical at verbal assaults laban sa mga indibidwal at komunidad ng mga Jews.

Maraming mga Hudyo ngayon ang hindi ligtas, natatakot na hayagang ipahayag ang kanilang pagkakakilanlan o magsuot ng mga simbolo ng kanilang pananampalataya. Ngunit bakit dapat matakot ang sinuman na maging sino sila?

Sa ating paggunita sa araw na ito, inaalala din natin ang mga inosenteng tao mula sa magkabilang panig na nagdurusa sa gitna ng digmaang ito.

Patuloy tayong manalangin para sa kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa gitna ng giyera.

Sa harap ng poot, pinipili natin ang pag-asa.

Sa harap ng karahasan, pinili natin ang kapayapaan.