CAUAYAN CITY – Magpapadala ng isang team ng mga contact tracers ang Kagawaran ng Kalusugan o DOH region 2 sa Bontoc Mountain Province para umasiste sa pagsasagawa ng contact tracing ng mga naitalang panibagong positibong kaso matapos na madetect ang bagong strain ng COVID 19 sa lalawigan
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr.Nica Taloma ng DOH region 2 sinabi niya maliban sa augmentation ay maglalatag din ang DOH Region 2 ng mas mahigpit na isolation at quarantine protocols sa mga umuuwing Returning Overseas Filipino at non-apor, maliban pa sa paghihigpit sa mga boundary checkpoints, maliban pa sa pagpapaigting ng composite measures laban sa COVID 19 ng mga LGU’s.
Nagbibigay din ng technical assistance ang ang DOH Region 2 sa epidemiology and surveilance, Contact tracing, at paggamit sa temporary treatment and monitoring facilities ng mga LGU’s.
Kada linggo rin aniyang nagsasagawa ng pagpupulong ang regional inter agency tast force para matukoy ang mga lugar na dapat bantayan ng ahensiya.