--Ads--

CAUAYAN CITY- Sinisiyasat pa rin ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng suspek na bumaril at nakapatay sa isang technician sa Cauayan City.

Ayon kay P/Sr. Insp. Ferdinand Datul,Chief Investigator ng Cauayan City Police Station, bigo pa rin silang makilala ang suspek matapos ang ginawang pagsusuri sa kuha ng CCTV camera malapit sa lugar kung saan binaril ang biktima na si Rodrigo Llaneras, 48 anyos at residente ng District 1 cauayan city.

Nahagip ng CCTV camera ang ilang bahagi ng pangyayari subalit hindi maaninag ang mukha at kulay ng motorsiklo na sinakyan ng suspek.

Umapela ang mga otoridad sa mga nakasaksi sa insidente upang magbigay ng impormasyon para sa ikalulutas ng kaso.

--Ads--

Ang biktima nagpaparada ng kanyang motorsiklo sa pwesto ng kapatid sa San Fermin, Cauayan City

May hinala ang pulisya na ang nakagitgitan na nauwi sa karerahan ng motorsiklo ang motibo ng suspek sa pagpaslang sa biktima.