--Ads--

CAUAYAN CITY-

Kinumpirma ng White House na patay na ang nawawalang isang Pilipinong seafarer sa pag-atake ng Houthi rebels sa bulk cargo carrier habang naglalayag sa Red Sea.

Sinabi ni US National Security Council spokesman John Kirby sa isang press briefing na nasa engine room ang napatay na Pilipinong tripulante na lulan ng M/V Tutor, isang Liberian-flgged, Greek-owned ship.

Tinawag naman ng US official na terorismo ang ginawang pag-atake ng mga rebelde sapagkat nasugatan din ang isang Sri Lankan crew member sa hiwalay na pag-atake ng Houthis.

--Ads--

Matatandaan na una ng napaulat na nawawala ang isang pilipinong seafarer na pinaniniwalaang na-trap sa engine room ng barko ng mangyari ang insidente.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmayon ang Pilipinas hinggil sa pagkasawi ng isang filipino crew.

Ligtas naman na dumating sa bansa nitong nakaraang araw ang ilan pang mga Pilipinong tripulante ng MV Tutor.