--Ads--

CAUAYAN CITY – Mamamahagi ng libreng face mask ang Isabela School of Arts and Trade – Techinical Education Skills Development Authority (ISAT-TESDA) sa mga frontliners sa gitna ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vocational Schools Superintendent Edwin Madarang, sinabi niya na dahil sa kakulangan ng suplay ng face mask sa bansa ay naglabas ng direktiba ang kalihim ng TESDA na gumawa ng mga face mask at ipamahagi sa mga frontliners.

Umabot na aniya sa mahigit walong daang face mask ang nagawa nila sa loob ng ilang araw.

Ayon kay Madarang, puntirya ng ISAT-TESDA na makagawa ng anim na libong face mask na ipapamahagi sa mga LGUs, ospital, health centers at mga kasapi ng Philippine National Police at Philippine Army.

--Ads--

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang produksyon nila ng face mask at sisimulan nilang mamahagi sa mga susunod na araw.

Samantala, plano rin ng ISAT-TESDA na magbigay ng libreng muffins sa mga frontliners na pangungunahan ng kanilang mga trainer sa bread and pastry production.

Tinig ni Vocational Schools Superintendent Edwin Madarang.