--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy paring isinusulong ng Technical Education Skills Development Authority o TESDA Isabela na magsagawa ng training may kaugnayan sa food processing para makatulong sa oversupply ng kamatis.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Leona Cayapan ang Assistant Professor IV at Trainer ng Provincial Lead Assessor Food Processing NCII, Tesda Isat, sinabi niya na labis na nakakaiyak ang paulit-ulit na senaryo sa pagtatapon ng over supply ng kamatis.

Sa katunayan aniya ay mag-iilang buwan na itong oversupply sa kamatis at nakakalungkot na may mga magsasakang napipilitan paring mag tapon ng kanilang produkto.

Aniya sa katunayan sa tulong ng Bombo Radyo Cauayan sa kanilang panawagan ay nag request na ng food processing training ang bayan ng Cabatuan.

--Ads--

Batay sa gagawing training tuturuan ang mga magsasak kung paano gumawa ng tomato candy, tomato wine, tomato vinegar, tomato salsa, sun dried tomato, tomato sauce, tomato paste, tomato preserve at tomato ketchup.

Sa katunayan ay nakikipag ugnayan sa rin sila sa Philippine Chamber of Commerse para maging katuwang para sa pagsasagawa ng training para makatulong sa mga magsasaka.

Aniya bukas ang lahat ng tanggapan ng TESDa sa bawat LAlawigan sa buong Region 2 para sa pag conduct ng training partikular sa kanilang paaralan sa Kasibu, Nueva Vizcaya.