Itinanggi ng opisina ng ISELCO 1 ang paratang ng ilang mga konsyumer na sila ang may kagagawan sa patay sindi na kuryente lalo na kapag may bagyo.
Ayon sa ahensiya, walang katotohanan ang sinasabi ng iba na nagnanakaw sila ng kuryente tuwing nagkakaroon ng patay sindi sa kuryente.
Kasunod kasi ito ng mga sinasabi ng publiko na may kinalaman ang ISELCO sa tuwing nakakaranas ng pabigla biglang pagkawala ng kuryente at bigla ring babalik.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Supervisor Laarni San Antonio, ang Branch Office Supervisor ng ISELCO 1 Cauayan Branch, ang nararanasang patay sindi sa suplay ng kuryente ay dulot ng automatic reclosure.
Nangyayari aniya ito kung hindi maayos ang daloy ng kuryente o kaya’y nagkakaroon ng pagtaas sa daloy ng kuryente.
Nakakaapekto rin ang mga puno na dumidikit sa mga linya ng kable na siyang nagdudulot kung bakit nangyayari ang automatic reclosure
Hindi aniya gagagawin ng ISELCO ang patay sindi na ilaw dahil hindi sila kikita kapAg ganoon ang nangyari.
Dagdag pa rito, malaking panganib din aniya sa mga gamit nila kapag nagkakaroon ng automatic reclosure.