--Ads--

Hinihikayat ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO 1) ang mga consumer na unahing magtungo sa kanilang tanggapan sakaling mayroong katanungan sa pag taas ng kanilang bayarin sa kuryente.

Ito ay matapos mapag-alaman na maraming mga konsyumer ang inuunang mag post sa social media ng pambabatikos sa ISELCO kaysa ang magtanong sa tanggapan kung bakit ito nangyari.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Supervisor Laarni San Antonio, ang Branch Office Supervisor ng Iselco 1-Cauayan Branch, sinabi niya na marami ang mga nagdududa sa pagtaas ng bayarin sa kuryente at hindi na nila napipigilan na mag post agad sa social media.

May mga pagkakataon kasi aniya na mula sa 1000 pesos na bill noong nakaraang buwan ay umabot na sa 3000 pesos ngayong buwan ng Mayo.

--Ads--

Kung nagtutungo sana umano ang mga konsyumer sa mismong tanggapan ng ISELCO, sana ay naipapaliwanag at naipapaunawa sa lahat ng residente na kaya tumaas ang kanilang bayarin ay dahil sa pagtaas ng konsumo sa kuryente dahil sa matinding init ng panahon.