--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglabas ng abiso ang Isabela Electric Cooperative 1 (ISELCO1)  kaugnay sa pagtaas ng singil sa kuryente na epektibo ngayong buwan ng Enero.

Tataas ng P10.10 ang kada kilowat hour sa residential consumer, P9.23 naman ang itataas sa low voltage consumer, habang P7.85 naman ang itataas sa High voltage consumer.

Ang naturang pagtaas sa singil sa kuryente ay bunsod ng pagtaas ng generation rate at iba pang charges.

Samantala, dismayado ang ilang member-consumer sa pagtaas ng singil sa kuryente ng naturang kooperatiba ngayong buwan ng Enero.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mark Angelo Corpuz, residente ng Cauayan City, sinabi niyang huwag sanang isabay ang pagtaas ng singil sa kuryente sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Aniya, malaking epekto ang biglaang pagtaas ng rate ng kuryente lalo na sa kanilang mga small business owners dahil ang kinikita nila ay halos mapupunta na rin sa pambayad ng kuryente.

Ayon kay Corpuz pahirapan na ang kumita ng pera para sa mga kagaya nilang member-consumer na umaasa lamang sa kinikita sa pagbebenta sa merkado.

Umaasa na lamang sila na magkakaroon ng pagbaba sa singil ng kuryente sa susunod na buwan.

Tinig ni Mark Angelo Corpuz.