CAUAYAN CITY – Naglabas ng abiso ang Isabela Electric Cooperative 1 o ISELCO 1 kaugnay sa pagtaas ng singil sa kuryente na epektibo ngayong buwan ng Mayo
Tataas ng 99 centavos kada kilowat hour ang singil sa residential consumer, Piso naman ang itataas sa low voltage consumer, habang 1.44 centavos naman ang itataas ng High voltage consumer.
Ang naturang pagtaas sa singil ay bunsod ng pagtaas sa Generation Rate dahil sa pagnipis ng supply sa kuryente na naging sanhi ng shutdown ng mga planta.
Dumadaing naman ang ilang member-consumer ng ISELCO-1 matapos magtaas ng singil ang naturang kooperatiba.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Evelyn Garcia, aniya hangad nilang member consumer na huwag isabay ang pagtaas ng singil sa kuryente sa pagtaas ng pangunahing bilihin.
Naiintindihan naman umano nila na ito ay dahil sa epekto ng El Niño ngunit kung maaari aniya ay huwag masyadong mataas ang karagdagang singil.